Rules of the game in Filipino

Paunang Salita

Ikaw ay isang Lord-Sorcerer mula sa Erret Archipelago. Isang teritoryo kung saan daan-daang mga isla ang magkakaugnay sa pamamagitan ng malalaking tulay. Minsan nang ipinagkaloob ng mga tulay ang kadakilaan at kaunlaran ng Archipelago, at pinayagan ang yumayabong na kalakalan sa pagitan ng mga isla nito. Ang kayamanan ng Archipelago, na nagdadaan lamang sa mga tulay na ito, ay nagbigay sa bawat residente ng isang buhay na maginhawa at walang pag-aalala. Ngunit ngayon, ang labis na populasyon, pagkaubos ng mga likas na yaman, at kasakiman ng Lord-Sorcerers ay lumikha ng kaguluhan at kawalan ng balanse sa Erret Archipelago. Walang araw ang lumipas nang hindi bumubuka ang lupa at nilalamon ng dagat ang marurupok na mga isla. Ang Lord-Sorcerers ngayon ay nakikipaglaban para sa kontrol ng pinakamataas at pinakaligtas na mga isla ng Archipelago. Upang mabuhay, kailangan mong tawirin ang mga tulay at labanan ang iba pang mga Lord-Sorcerers upang angkinin ang kanilang lupain.

Setup

Ang bawat player ay tatanggap ng “Bastion / Fort” card. Ilagay ang 2 “Bridge” cards sa play area.

Bago simulan ang isang laro ng Clash of Decks, piliin ang format at mode ng laro na nais mong laruin.

Una, pumili ng mode ng laro: Solo mode kung nais mong maglaro bilang isang solong manlalaro, o Duel mode kung nais mong maglaro kasama ang dalawang manlalaro. Mga karagdagang mode (Cooperative, 2v2, Free-for-all, Legacy…) ay magiging available.

Pagkatapos, pumili ng isang format: Preconstructed, Draft, Constructed. Tandaan: kung naglalaro ka sa Solo mode, hindi maaring piliin ang Constructed format.

PRECONSTRUCTED: Inirerekumenda namin ang format na ito para sa iyong mga unang laro. Ang bawat manlalaro ay pipili ng isa sa apat na preconstructed deck. Kung naglalaro ka sa Solo mode, ang mga card mula sa tatlong natitirang mga deck ay bumubuo sa deck ng AI. Kailangan mo lamang ng isang kopya ng Starter Kit para sa Preconstructed format. Nasa ibaba ang mga listahan para sa 4 na Preconstructed deck:

  • DECK 1 : ANNIHILATION, BARON, BOOM!, BRUTE, CARAPACE, PARTISAN, REVENANT, TROLL
  • DECK 2 : ABOMINATION, ALPHA, COMBUSTION, LIEUTENANT, MICROCTOPUS, OGRE, SCRIBE, SHAMAN
  • DECK 3 : BRIGAND, DISCIPLE, GNOME, GRRR, MARTYR, METEORITE, PARASITE, VORTEX
  • DECK 4 : ABERRATION, ASSASSIN, CARNIVORE, CYCLONE, MACHINE, MUTANT, REPTILE, ZOMBIE

DRAFT: Inirerekumenda namin ang Draft format pagkatapos mong subukan ang bawat isa sa mga preconstructed deck. Sa format na ito, ang mga manlalaro ay pipiili ng mga card mula sa isang nakabahaging deck upang mabuo ang kanilang kamay ng 8 na natatanging mga card. I-shuffle ang lahat ng mga cards sa isang draw deck. Pagkatapos, ihayag ang apat na pinakamataas na card ng deck na iyon. Pipili ang Player A ng isang card mula sa 4. Pipili ang Player B ng 2 sa 3 natitirang mga cards. Pagkatapos ay kukunin ng Player A ang natitirang card. Ulitin ang operasyong ito, ngunit sa oras na ito ang Player B ang pipili ng unang card. Ulitin hanggang ang bawat manlalaro ay may 8 cards..Kailangan mo lamang ang isang kopya ng Starter Kit para sa Draft format.

CONSTRUCTED: Ang Constructed format ay nakalaan para sa mga dalubhasa na perpektong na-master ang mga mekanismo ng laro at mga special abilities synergies. Bago simulan ang laro, ang mga manlalaro ay bumuo ng kanilang sariling deck sa pamamagitan ng pagpili ng 10 card mula sa lahat ng mga magagamit na card. Una na isiniwalat ng Player A ang 10 cards mula sa kanilang deck, face up, at pipiliin ng Player B ang isa na aalisin sa deck sa tagal ng laro. Pagkatapos ay isiwalat ng Player B ang 10 cards mula sa kanilang deck, at pipiliin ng Player A ang isa na aalisin mula sa deck sa tagal ng laro. Pinipili ng Player A ang pangalawang card mula sa 9 natitirang mga card sa deck ng Player B upang alisin para sa tagal ng laro. Panghuli, ang Player B ay pipili ng isang pangalawang card mula sa 9 natitirang mga card sa deck ng Player A na aalisin sa tagal ng laro. Matapos ang dalawang card ay naalis mula sa bawat deck, ang bawat manlalaro ay nagmamay-ari ng isang deck ng 8 cards. Ang bawat manlalaro ay nangangailangan ng isang kopya ng Starter Kit para sa Constructed format.

Ang bawat player ay magbabalasa ng kanilang mga cards, na bumubuo sa kanilang kamay o hand. Pagkatapos ay inilagay nila ang kanilang “Bastion” card sa pinaka-kaliwang bahagi ng kanilang hand. I-flip ang isang coin upang matukoy ang unang manlalaro. Para sa kanyang unang tira, sinisimulan niya ang laro na may 6 na Mana.

Gameplay

Sunud-sunod ang paglalaro ng mga player. Ang isang tira ay binubuo ng 3 phases:

Unang phase – Mana Regeneration:

Ang player ay makakakuha ng Mana tulad ng bilang ng mga cards sa kanilang kamay (kasama ang “Bastion / Fort” card). Ginagamit ang Mana upang magbayad ng cards costs. Maaaring gamitin ito ng manlalaro sa pangalawang phase.

Pangalawang phase – Summoning:

Maaaring gamitin ng player ang Mana na nakuha sa phase 1 upang maglaro ng mga cards mula sa kanilang kamay. Maaari lamang i-play ng isang player ang 4 na pinaka-kaliwang card sa kanilang kamay (hindi papansinin ang kard na “Bastion / Fort”).

Ang Mana cost ng isang card ay makikita sa kaliwang sulok sa itaas. Ang Mana na hindi nagamit sa turn ay mawawala. Ang player ay hindi maaaring gumamit ng mas maraming Mana kaysa sa nakuha nila sa unang phase.

Ang play area ay binubuo ng dalawang lane. Kapag gagamit ng card, pipili ang manlalaro kung saang lane ilalagay ito.

Pinapatawag lamang ng mga players ang mga creatures sa kani-kanilang Realm: inilalagay ng player A ang kanilang cards sa kaliwa ng “Bridge” cards at inilalagay ng player B ang kanilang cards sa kanan ng “Bridge” cards. Walang limitasyon sa bilang ng cards sa isang lane. Ang isang tinawag na creature ay inilalagay mula sa kamay ng player papunta sa play area, nakabukas, sa lane na kanilang pinili, sa likuran ng iba pang mga nilalang na nalaro na. Ang card ay mananatili sa laro hangga’t hindi ito nawawasak.

Pangatlong phase – Assault:

Ang isang creature ay mayroong Health Points at Attack Value.

Hindi maaaring umatake ang isang creature sa turn na siya ay pumasok. Ang bawat creature na kinokontrol ng manlalaro ay nagpapataw ng Attack Value sa isang kalabang creature. Mayroon pagkakasunud-sunod ang pag-activate ng creatures: una sa itaas na lane, mula sa nilalang na higit na malayo sa nilalang na pinakamalapit sa “Bridge”; pagkatapos, ang mas mababang lane, mula sa nilalang na pinakamalayo mula sa nilalang na pinakamalapit sa “Bridge”.

Kapag ang isang creature ay tumamo ng pinsala katumbas ng Health Points nito, ang nilalang ay mawawasak. Ang kabuuan ng pinsala ay mapupunta sa creature at ang card ay babalik sa kamay ng may-ari nito, sa pinaka-kanang lugar.

Pagkatapos, ilipat ang lahat ng mga creatures sa lane na malapit sa “Bridge” upang punan ang puwang. Pinupuno muli ng mga creatures ang kanilang Health Points pagtatapos ng turn.

Sa panahon ng assault, ang isang creature ay magpapataw ng Attack Value sa pinakamalapit na kalaban na creature sa parehong lane. Kung walang kalaban na creature ang maaaring atakehin, ang creature ay magpapataw ng damage direkta sa “Bastion / Fort” ng kalaban.

Kapag ang isang “Bastion / Fort” ay nagtamo ng pinsala, ilipat ito ng kasing daming pwesto pakanan sa kamay ng player.

Kapag ang isang “Bastion” ay umabot sa pinaka-kanang bahagi ng kamay ng player, ito ay nawasak: paikutin ito sa “Fort” na panig at ibalik ito sa pinaka-kaliwang bahagi ng kamay ng player. Ang labis na pinsala na ipinataw sa “Bastion” ay hindi mapupunta sa “Fort”. Kapag naabot ng isang “Fort” card ang pinaka-kanang lugar sa kamay ng isang manlalaro, talo ang player na iyon.

End of the game

Nagtatapos ang laro sa sandaling maabot ng isang “Fort” card ang pinaka-kanan na lugar sa kamay ng player. Nanalo ang kalaban nila sa laro.

Reference sheet

Ang mga creatures ay nilalaro at nananatili sa play hanggang sa sila ay mawasak.

Ang Incantation card ay maaaring i-play sa turn ng player, sa Summong phase at Assault phase. Maaaring ma-target ng Incantation card ang anumang creature. Ang epekto ng isang Incantation card ay nalalapat kaagad pagkatapos ma-play ang card. Pagkatapos ay ilagay ang Incantation card sa pinaka-kanang bahagi ng kamay ng may-ari nito.

List of special abilities

Ang mga icon na ito ay kumakatawan sa mga espesyal na kakayahan ng ilang mga nilalang. Ang mga espesyal na kakayahan ay dapat lamang isaalang-alang kapag ang nilalang ay nasa play.

Splash : Pinapataw ang pinsala sa parehong target na creature AT ang creature sa parehong lugar sa katabing lane.

Perforation : Pinapataw ang pinsala sa parehong target na creature AT ang creature sa likuran nito sa parehong lane (hindi sa Bastion / Fort).

Rage : Pinapataw ang pinsala sa parehong target na creature AT ang creature sa likuran nito sa parehong lane (hindi sa Bastion / Fort).

Protection : Ginagawang 0 ang pinsala mula sa unang atake na naka-target sa nilalang na ito sa bawat turn.

Indestructible : Hindi nagdurusa sa mga epekto o pinsala mula sa Incantation cards.

Berserk : Sa tuwing umaatake at nakakapatay ang creature ng isang kalabang creature, umaatake muli ito.

Sprint : Sa tuwing umaatake ang creature na ito, ilipat ito hanggang sa ito ang pinakamalapit na creature sa Bridge. Para sa pag-atake na ito, naghahatid ito ng +x damage, kung saan ang x ay katumbas ng bilang ng mga creatures na hinakbangan nito.

Aura : Ang katabing creature ay nakikinabang mula sa espesyal na kakayahang ito.

Solo mode – Quick play

Pinahihintulutan ka ng Solo Mode na maglaro ng Clash of Decks nang mag-isa, sa pamamagitan ng Quick play o Custom play. Ilapat ang lahat ng mga rules ng base game. Kung ang mga rules ng base game at ang mga rules ng solo mode ay sumasalungat sa bawat isa, palaging ilapat ang mga rules ng solo mode. Ang AI ay tumutukoy sa Artipisyal na Katalinuhan na kakaharapin mo sa mode na ito.

Setup:

Nakatanggap ka ng isang “Bastion / Fort” card. Ilagay ang 2 “Bridge” cards sa play area.

I-shuffle ang 32 card sa isang draw pile.

Pagkatapos, ibunyag ang nangungunang 4 na card ng draw pile na ito. Pumili ng isang card mula sa 4 na ito. Makukuha ng AI ang 3 natitirang mga cards. Ulitin ang operasyon hanggang sa mayroon kang 8 cards at ang AI ay may 24 cards.

I-shuffle ang iyong 8 cards at ilagay ang iyong “Bastion” card sa pinaka-kaliwang bahagi sa iyong kamay.

I-shuffle ang 24 cards ng AI sa isang deck na nakataob. Maglagay ng “Bastion” card sa pinakailalim ng deck na ito. Simulan mo ang laro. Para sa iyong unang turn, makakakuha ka lamang ng 6 Mana.

Gameplay:

Ang iyong turn ay katulad ng turn sa base game. Kapag natapos na ang iyong turn, ang AI naman ang maglalaro:

Unang phase – Mana Regeneration:

Ang AI ay makakakuha ng nakapirming halaga ng Mana at iba’t ibang halaga ng Mana. Para sa Quick play, ang nakapirming halaga ay 6 at ang variable na halaga ay +1 Mana para sa bawat creature na mayroon ka sa laro.

Pangalawang phase – Summoning:

Ipakita ang card sa taas ng AI deck at ilagay sa AI Realm, sa itaas na lane, sa likod ng mga creatures sa laro.

Kung ang kabuuang halaga ng mga cards na ipinatawag sa turn na ito ay hindi pantay o lumampas sa kabuuang halaga ng mana ng AI, ipakita ang susunod na card ng AI deck. Pagkatapos ay ilagay ito sa AI Realm, sa mas mababang lane, sa likod ng mga creatures sa laro.

Patuloy na ipatawag ang mga cards, salitan ng itaas at mas mababang lane, hanggang sa ang halaga ng mga cards na ipinatawag ng AI ay katumbas o lumampas sa kanilang magagamit na Mana.

Kung ang AI ay nagpapakita ng Incantation card, sistematikong target ng card ang creature na pinakamalapit sa “Bridge” sa lane. Kung walang target, ang Incantation card ay walang epekto at ilalagay sa AI discard pile. Hindi ginugugol ng AI ang Mana sa isang Incantation card na walang target. Ang AI discard pile ay matatagpuan sa tabi ng deck nito at binubuo ng mga nawasak na creatures at mga ginamit nitong Incantations.

Pangatlong phase – Assault:

Kapag ang isang AI creature ay nawasak o kapag ginamit ang isang Incantation, ilagay ang card sa AI discard pile. Kapag ang AI ay tinamaan ng isang atake mula sa isa sa iyong mga creatures, maglagay ng mga cards mula sa tuktok ng kanilang deck katumbas ng pinsala na pinataw at ilagay ang mga card na ito, nakaharap, sa discard pile.

Kapag ang AI deck ay walang laman at ang “Bastion” card ay nakikita, paikutin ito sa “Fort” na side. Pagkatapos, i-shuffle ang lahat ng mga cards mula sa AI discard pile sa isang bagong deck at ilagay ito sa tuktok ng “Fort” card nito.

End of the game and victory conditions:

Nagtatapos ang laro kapag nangyari ang isa sa dalawang sitwasyong ito. Kung ang iyong “Fort” card ay umabot sa pinaka-kanan na lugar sa iyong kamay, agad na nanalo ang AI sa laro. Talo ka.

Kung ang AI deck ay walang laman at ang “Fort” card ay nakikita, ang AI ay maglalaro ng isang huling turn. Kung makaligtas ka sa huling turn, nanalo ka sa laro.

Solo mode – Custom play

Ayusin ang difficulty level ng AI at subukang umabot sa level 5! Bago maglaro ng Custom Games, inirerekumenda namin na magsanay sa ilang Quick games upang malaman at tuklasin ang mga rules ng solo mode ng Clash of Decks.

1 / Pagkatapos ng pag-draft, pumili ng difficulty level:

Easy: 1 difficulty point

Medium: 2 difficulty points

Hard: 3 difficulty points

Heroic: 4 difficulty points

Mythic: 5 difficulty points

2 / Pagkatapos, ipasadya ang AI ayon sa napiling antas ng kahirapan:

Tukuyin ang iba’t ibang halaga ng Mana sa Mana Regenaration phase ng AI:

+1 Mana para sa bawat creature na mayroon ka sa laro (+0 difficulty point).

+2 Mana para sa bawat creature na mayroon ka sa laro (+2 difficulty points).

Tukuyin ang nakapirming halaga ng Mana sa Mana Regenaration phase ng AI:

6 (+0 difficulty point)

7 (+1 difficulty point)

8 (+2 difficulty points)

9 (+3 difficulty points)

10 (+4 difficulty points)

Tukuyin ang unang manlalaro:

Ang manlalaro (+0 difficulty point)

Ang AI (+1 difficulty point)

Tukuyin ang resilience ng AI:

Kung walang “Bastion”, ang AI ay magsisimula ng mayroong “Fort” (-1 difficulty point)

Kung mayroong “Bastion” (+0 difficulty point)

Tukuyin ang resistance ng AI:

Ang iyong mga pag-atake sa AI deck ay nagdudulot ng pinsala tulad ng attack alue ng iyong mga creatures (+0 difficulty point)

Ang iyong mga pag-atake sa AI deck ay nababawasan ng 1 pinsala (+2 difficulty points)

Tukuyin ang isang special ability para sa lahat ng mga AI creatures:

None (+0 difficulty point)

Splash (+1 difficulty point)

Perforation (+1 difficulty point)

Rage (+1 difficulty point)

Protection (+1 difficulty point)

Berserk (+1 difficulty point)

3 / Maglaro na!

Mayroon bang mga katanungan sa rules o mungkahi? Makipag-ugnay sa amin sa info@grammesedition.fr

FAQ – General

Maaari ba akong maglaro ng Clash of Decks gamit ang isang Starter Kit? Kailangan mo lamang ng isang kopya ng Starter Kit upang maglaro ng solo mode o duel mode (Draft format). Upang makapaglaro ng duel mode (Constructed format), ang bawat manlalaro ay dapat magkaroon ng isang kopya ng Starter Kit.

Kung ang isang creature na malapit sa bridge ay nawasak, kailangan ko bang ilipat ang natitirang creatures ng malapit sa bridge o dapat silang manatili sa kung nasaan sila hanggang sa katapusan ng turn? Kapag ang isang creature ay nawasak (at sa gayon ay ibinalik sa pinaka-kanang lugar sa kamay ng may-ari nito), ang lahat ng iba pang mga creatures ay dapat agad na ilipat papunta sa bridge upang mapunan ang puwang.

Posible bang walang mapatawag na creature sa Summoning phase? Oo, posible na walang mapatawag, alinman sa pagpili o kawalan ng Mana.

Maaari ko bang i-play ang lahat ng card sa aking kamay (maliban sa Bastion / Fort card)? Hindi, dapat mong itago kahit isa. Kung ang natitirang card sa iyong kamay ay ang Bastion / Fort card, ito ay magiging pinaka-kanang card sa iyong kamay at sa gayon ay talo ka sa laro.

Maaari ko lamang i-play ang 4 na pinaka-kaliwang card sa aking kamay (hindi kasama ang Bastion / Fort card), ito ba ang parehong 4 na card para sa buong Summoning phase, o ang paglalaro ng isang card kaagad ay nagbibigay sa akin ng access sa susunod na card? Sa kanilang Summoning phase, kapag naglalagay ang isang player ng card mula sa kanilang kamay, ang kanilang ika-5 kaliwang card ay agad na naging kanilang ika-4 na kaliwang card. Maaari na nilang i-play ang card na ito sa mismong Summoning phase o sa hinaharap na Summoning phase.

Maaari bang mailagay ang mga card na papasok sa laro sa pagitan ng mga card na nasa parehong lane? Hindi, kapag ang isang kard ay pumasok sa laro sa isang linya dapat itong mailagay sa likod ng card na pinakamalayo sa bridge.

Kung ang isang atake ay nagkakaroon ng pinsala na labis sa Health points ng isang creature, ang labis na pinsala ba ay mapupunta sa susunod na creature sa parehong lane o sa Bastion / Fort? Hindi, nawawala ang labis na pinsala. Samakatuwid posible na mag-tank ng isang mataas na halaga na atake sa isang creature na mayroon lamang ilang Health points.

Kapag ginamit ko ang mga card sa kaliwa ng aking Bastion / Fort, awtomatiko itong lumilipat sa kaliwa. Pagkatapos, kapag ang mga nawasak na creature ay ibinalik sa hand, ibinabalik sila sa kanan. Kaya’t ang sistemang ito ay gumaganap na healing? Oo, tama!

Kung ako ay maraming creatures sa laro, mas mababa ang Health points at Mana na mayroon ako? Eksakto, hinahayaan ng sistemang ito na magbalanse ng kapangyarihan sa pagitan ng mga manlalaro.

Kung ako ay maraming creatures sa laro, mas mababa ang Health points at Mana na mayroon ako? Eksakto, hinahayaan ng sistemang ito na magbalanse ng kapangyarihan sa pagitan ng mga manlalaro

Kailan maaaring i-play ang isang Incantation card? Maaaring i-play ang mga incantation anumang oras sa Summoning phase at sa Assault phase. Dapat magkaroon ng isang target na creature kapag ginagamit ang Incantation. Ang Incantation card ay dapat na ibunyag kapag nilalaro, at agad na ibinabalik sa pinaka-kanang lugar ng hand ng may-ari nito.

Maaari bang gamitin ang Incantation card nang higit sa isang beses sa loob ng isang turn? Kung mayroon kang 5 o mas kaunti pang mga cards (kasama ang Bastion / Fort), posible na gumamit ng mga Incantation card nang higit sa isang beses sa isang turn (habang mayroong Mana).

Sinusundan ba ng mga Incantations ang parehong panuntunan sa mga creatures, na nakakapinsala lamang sa turn pagkatapos na ito ay nilaro? Hindi, Ang mga epekto ng Incantations ay nalalapat kaagad.

Ang mga special abilities ba ay sapilitang ginagamit? Oo, awtomatikong at sistematikong nalalapat ang mga special abilities. Kung maaari silang mag-apply, dapat sila i-apply.

Kapag maraming mga creatures ang nawasak nang sabay-sabay sa Splash o Perforation, sa anong pagkakasunud-sunod ibabalik sa kamay ng kanilang may-ari? Ang may-ari ng mga cards na iyon ang magpapasya sa pagkakasunud-sunod ng pagbalik sa pinaka-kanang lugar ng kanilang kamay.

FAQ – Special abilities

Kung ang isang creature na may Perforation o Splash ay umaatake sa isang creature na may special ability na Protection, nag-uudyok ba ang Perforation o Splash? Oo. Ang pinsala lamang na direktang hinarap sa creature na may special ability na Protection ang na-absorb.

Ang isang creature ay nagtamo ng atake mula sa isang kalabang creature na may special ability na Perforation. Kung walang creature sa likuran ng inatakeng creature, ang Perforation ba ay nagbibigay ng pinsala sa Bastion / Fort? Hindi, ang special ability ng Perforation ay tumutukoy lamang sa pinsala sa mga creatures (hindi kailanman sa Bastion / Fort).

Kung ang isang creature ay may parehong special ability na Splash at Perforation, ang Perforation ay gumagana rin sa nilalang sa likod ng nagtamo ng Splash? Hindi, ang Perforation ay magpapataw lamang ng pinsala sa creature sa likod ng creature na na-target ng pag-atake, sa parehong lane.

Kung walang creature sa isang lane at inaatake ng aking creature ang Bastion / Fort, gumagana ba ang Splash o Perforation? Hindi, ang mga special abilities na Splash at Perforation ay gumagana lamang sa mga creatures, hindi kailanman sa Bastion / Fort.

Pinapayagan ba ng special ability na Rage na umatake ang isang creature sa Bastion / Fort sa turn na pumasok ito? Hindi, pinapayagan lamang ng special ability na Rage ang mga creatures na umatake sa mga kalabang creatures (hindi kailanman ang Bastion / Fort) sa turn na pumasok ito.

Maaari bang ma-target ng isang Incantation ang isang creature na may Indestructible special ability? Oo. Kahit na hindi ito magtamo ng pinsala o epekto, ang isang creature na may Indestructible special ability ay maaari pa ring maging target ng Incantation card.

Kung ang isang creature na may Sprint special ability ay hindi ang pinakamalapit na nilalang sa bridge, nagsasagawa ba ito ng dalawang pag-atake sa isang turn: ang isa ay limp, pangalawa ay kapag turn na nito muli sa lane? Hindi, ang isang creature na may Sprint special ability ay umaatake lamang ng isang beses sa isang turn.

Kailan mawawala ang attack bonus na ibinigay ng Sprint special ability? Ang attack bonus na ibinigay ng Sprint special ability ay mananatiling aktibo hanggang sa katapusan ng Assault phase.

Kapag ang isang creature na may Berserk special ability ay sumira sa isang creature at walang mga kalabang creature sa lane nito, inaatake ba nito ang Bastion / Fort? Oo, kapag ang isang creature na may Berserk special ability ay sumisira sa huling kalaban na creature ng isang lane, maaari itong umatake muli at samakatuwid ang target ay ang Bastion / Fort (maliban kung ang creature ay pumasok sa laro sa turn na ito at pinayagan na umatake salamat sa Rage special ability).

Maaari bang umatake muli ang isang creature na may Berserk special ability kapag sinira nito ang Bastion? Hindi, ang Berserk special ability ay nagti-trigger lamang kapag ang isang creature ay nawasak. Ang Bastion ay hindi isang creature.

Hanggang kailan makikinabang ang isang katabing creature mula sa special ability na ipinagkaloob ng Aura? Nakikinabang ang katabing creature hangga’t ang creature na may Aura ay nasa laro. Sa sandaling lumipat o umalis ang creature na iyon (at bumalik sa kamay ng may-ari nito), mawawala ang epekto na ipinagkaloob ng Aura sa katabing creature.

Ang creature ba na may Aura special ability ay nakikinabang mula sa mismong special ability? Hindi, ang creature mismo ay walang special ability. Ang dalawang katabing creatures lamang ang makikinabang sa special ability.

Translation : Namron Herrera